Mag-aalok na rin ng libreng contact tracing training program ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) simula sa Setyembre.
Ayon kay TESDA deputy director Gen. Aniceto Bertiz III, tatakbo ng hanggang 15 araw ang nasabing training program.
Isasagawa ang training sa pamamagitan ng blended distance at face-to-face learning.
Ani Bertiz, binuo ng TESDA ang nasabing programa bilang bahagi na rin ng pinag-igting na paglaban ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.