Aprubado na ng gabinete ng Japan ang paggamit ng pondo ng gobyerno nito para mamigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa mga mamamayan nito.
Ayon kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, posible nang maipamahagi ang bakuna kontra virus sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Dagdag pa ni Suga, ang naturang hakbang ay para makatiyak ang Japanese government na epektibo nitong natutugunan ang COVID-19 crisis.
Nauna rito, nakipagkasundo ang Japan sa iba’t-ibang pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na bibili ito ng daang milyon oras na makagawa na ang mga ito.