Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng COVID-19 vaccine sa pamilya ng mga nasa hanay ng security forces.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat hindi kabilang ang pamilya ng mga uniformed personnel sa mga prayoridad na bibigyan ng bakuna kontra COVID-19 paraan ito ng Pangulo para bigyang kilala ang halaga at hirap ng trabahong ginagampanan ng mga ito.
Maliban sa uniformed personnel, kabilang din ang health workers, senior citizens, mga mahihirap at iba pang frontliners sa listahan ng prayoridad na mabakunahan kontra COVID-19.