Binuksan na ng Office of the Vice President (OVP) at pribadong partner nito ang isang dormitoryo sa Cubao, Quezon City para sa frontliners ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Vice President Leni Robredo, ito ang tugon nila sa report na ilang healthcare workers ang nakakaranas ng diskriminasyon mula sa mga inuuwiang apartment dahil sa pag responde sa COVID-19 patients.
Tiwala si Robredo na makakatulong ang kanilang hakbangin katuwang ang ilang pribadong grupo para mabigyan ng matutuluyan ang frontliners.
Para sa mga nais mag avail ng serbisyo, kailangang tumawag sa 09985917408 o kaya naman ay ipadala sa ovpfreedormservice@gmail.com ang mga impormasyon hinggil sa: buong pangalan, kasarian, designation, ospital o organisasyong kinabibilangan, work shift, kasalukuyang home address, at contact details.
Sa ngayon ..ipinabatid ng OVP na limitado muna sa first come, first served basis ang nasabing dorm dahil na rin sa social distancing at limitadong espasyo ng lugar.