Tinatayang nasa 2k na tsuper ng mga pampublikong transportasyon ang makikinabang sa libreng drive thru vaccination program ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ang kinumpirma ni Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez kasunod ng pag-arangkada ng vaccine express program ng nasabing tanggapan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon kay Rodriguez, pinaplantsa na ng OVP ang detalye ng naturang programa kontra COVID-19 na ilulunsad sa 4 na distrito sa lungsod at tatawagin itong Bayanihan e-Konsulta.
Sa panig naman ng kampo ni Vice President Leni Robredo, sinabi ng tagapagsalita nitong si Atty. Barry Gutierrez na handa rin silang maglagay ng vaccine express sa Davao City kung pahihintulutan ito ni mayor sarah duterte at hindi kukulayan ng politika.
Magugunitang sinopla ng alkalde ang naging mungkahi ni VP Leni na gayahin ng Davao City ang COVID response ng Cebu upang mapababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Pero hindi nagustuhan ni Mayor Sara ang mungkahi ng pangalang pangulo sa halip ay sinopla ito dahil wala aniya itong alam sa pagpapatakbo ng isang lungsod.