Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng edukasyon sa mga anak ng sundalo.
Sa kanyang pagbisita sa 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa Camp general Macario B. Peralta Jr. sa Capiz. sinabi ng Pangulo na hindi na kailangang mamroblema ang mga sundalo sa matrikula ng mga anak dahil libre na ito sa pinakamalapit na pampublikong paaralan kung saan sila nakatira.
Magsisimula aniya ito mula kindergarten hanggang high school at pagdating ng kolehiyo, bibigyan ang mga anak ng sundalo ng scholarship na papasa sa itatakdang pamantayan para maging iskolar ng bayan.
Ang pagbisita ni Duterte sa kampo ng militar sa Capiz ay kauna-unahan dahil siya lamang ang Presidente ng bansa na dumalaw sa mga kawal sa nabanggit na kampo.
By: Meann Tanbio / ( Reporter No. 23 ) Aileen Taliping