Inaaprubahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso at napirmahan na rin ng Pangulong Noynoy Aqunio ang 2016 National Budget ng bansa sa halagang hight-kumulang isang trilyong piso.
At kabuuan ng badyet o ang pinakamalaking bahagi nito ay napunta sa Kagawaran ng Edukasyon na nagkakahalaga ng higit-kumulang apat-naraang bilyong piso.
Pang-apat sa binigyan ng malaking badyet ay ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health na may 123.510 Billion pesos.
Ngunit ang masaklap, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nabibigyan ng sapat na tulong-pang-medikal ng ating pamahalaan.
Bakit kanyo, dahil marami pa rin tayong natatanggap na reklamo tungkol sa hindi napapakinabangan ng ating mga kababayan ang tulong sana mula sa gobyerno.
Maraming Pinoy ang patuloy na nagkakasakit at namamatay dahil sa kakulangan o di kaya’y hindi nila kaya ang mga gastusin sa pagpapa-checkup.
Batay sa pagtaya ng mga medical experts, ang simpleng o karaniwang Laboratory test tulad ng Complete Blood Count (CBC), Urinalysis, X-ray, Ultrasound at Echocardiogram ay makaliligtas ng buhay ng isang nilalang.
Katunayan, ang mga lab test na ito ay pwedeng gawing libre na para sa mga mapapatunayang mga nasa poverty level Filipinos upang bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay.
Sa datos na inilabas ng mga medical expert, aabot sa 763 Billion pesos umano ang hindi nagamit ng gobyerno noong taong 2014, kung kaya’t malaking halaga sana ito upang magamit ng mga nangangailangan.
Kaya maiging ipanawagan natin na imungkahi sa Philhealth na gawing libre na ang laboratory test para mailigtas pa natin ang mga buhay ng ating mga kababayan.