Tinawag na literacy pantry ang isang community pantry inspired na ideya sa Barangay Pasil, Paoay, Ilocos Norte na namamahagi ng libreng libro at school supplies sa mga mag-aaral.
Ito ay binuo ng isang grupo ng English Language Society at mga estudyante ng Master of Arts in English Language and Literature ng Mariano Marcos State University na layuning mamamahagi ng mga kagamitang para sa pag-aaral at gayundin upang magpanday ng mga kaalaman ng mga estudyante.
Bukod sa mga libro na may iba’t ibang asignatura gaya ng Science, Math, English, Filipino at iba pa mayroon ding pocketbooks, spiritual books, dictionary, nobela, flashcards at workbooks ang nasabing pantry.
Samantala, nagsasagawa rin ang grupo ng stortytelling para sa mga batang pumipila at plano rin nitong bumuo muli ng pangalawa pang literacy pantry sa Lungsod naman ng Batac at Laog sa Mayo 23.