Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing para sa iba’t-ibang manggagawa sa lungsod.
Batay sa inilabas na abiso ng Manila Public Information Office, kabilang sa mga target ng lungsod na ma-test ay ang mga vendors sa iba’t-ibang palengke sa lungsod, empleyado ng malls, tsuper ng pedicab, tricycle, e-trike, jeepneys, at iba pa.
NEWS ALERT: Mayor @IskoMoreno has ordered his administration to provide free RT-PCR testing for employees of malls, hotels, restaurants and supermarkets, vendors in public markets, and drivers of e-trikes, pedicabs, tricycles, jeepneys and buses operating in the nation’s capital. pic.twitter.com/eIyc8vQbtY
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) September 29, 2020
Nauna rito, pinasinayahan na kahapon, ika-29 ng Setyembre, ang ikalawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) laboratory sa Sta. Ana Hospital sa lungsod na kayang magproseso ng aabot sa 1,000 test kada-araw. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)