Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo ang panukalang pagbibigay ng libreng matrikula para sa mga kukuha ng kursong abogasiya.
Ito’y sa ilalim ng Senate Bill 1610, layon na magdagdagan ang mga manggagawa o abogado.
Ayon kay Tulfo, kasalukuyang aabot sa 40,000 na abogado lamang ang binubuo ng Intergrated Bar of the Philippines at mas kakaunti ang mga nag-aaral ng law.
Isa ito anya sa dahilan ng kakulangan ng access sa hustisya sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng praktikal na abogado.
Samantala, aabot sa 75,000 pesos hanggang 98,000 pesos kada semestre ang matrikula sa pribadong paaralan habang 24,000 pesos hanggang 30,000 pesos sa mga state university. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla