Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapatupad na bago matapos ang taon ang ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Act’ o batas para sa libreng matrikula sa State Universities and Colleges
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na sa pagsapit ng ikalawang semester sa mga kolehiyo ay maipapatupad na ang naturang batas.
Sinabi ni Commission on Higher Education Commissioner Prospero de Vera, kailangan ng gobyerno ng nasa 20 bilyong Piso upang maipatupad ang batas ukol sa libreng matrikula sa mahigit isang daang SUC’S at halos 20 lokal na mga universities at colleges.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Senador Bam Aquino , isa sa mga may – akda ng naturang batas na hindi mabibigyan ng libreng tuition ang mga mag – aaral na mayruong bagsak na marka.
By: Arianne Palma
SMW: RPE