Mararamdaman na ng mga estudyante at magulang simula sa hunyo ang epekto ng libreng matrikula at miscellaneous fees sa mga State University and College (SUC).
Ito’y makaraang ilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang implementing rules and regulations para sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.
Sa ilalim nito, wala ng babayarang tuition at miscellaneous fees ang mga estudyante ng mga S.U.C. at mga recognized-Local Universities and Colleges o L.U.C.
Magmumula ang pondo sa 40 Bilyong Pisong inilaan ng gobyerno.
Para maging kwalipikado, dapat ay nakapasa sa admission test ng mga S.U.C. at L.U.C. ang mga estudyante, wala pang college degree at hindi “overstaying” o lagpas na sa itinakdang panahon ng pag-aaral.