Isinusulong ng Commission on Higher Education ang pagbubukas ng limang karagdagang medical schools sa susunod na taon.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera III, libreng medical programs ang iaalok ng mga medical schools para sa mga mahihirap na estudyanteng Pilipino.
Layunin nito na pagyamanin ang mga kaalaman ng mga doktor at nars sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming medikal na paaralan.
Sa ngayon, mayroon ng 19 na pampublikong unibersidad sa buong bansa na nag-aalok ng mga programang medikal kung saan 8 dito ang inaprubahan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.