Mahigit 1,000 mga first time jobseeker ang nakinabang sa bagong batas na nagbibigay ng libreng National Bureau of Investigation (NBI) clearance.
Ayon kay NBI Bureau Director Dante Gierran, ipinamahagi ang mga libreng NBI clearance sa 15 satellite, regional, at district offices ng NBI sa buong bansa.
Alinsunod ito sa Republic Act 11261 o ang first time jobseekers assitance act na nag wi–waive sa mga government fees at charges sa dokumento na kinakailangan kunin ng mga bago palamang mag ta-trabaho.