Libre nang ipamamahagi sa mga biktima ng super typhoon Yolanda at Pablo ang mga pabahay ng gobyerno.
Ito ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa National Housing Authority Summit sa Quezon City.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahigit dalawandaang libong (200,000) benepisyaryo na pawang biktima ng mga nasabing bagyo ang makikinabang sa inilaang 50 billion peso free housing package.
Inihayag ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. na kamakailan lamang inaprubahan ng NHA Board ang rekomendasyon sa Pangulo na ibigay ang house and lot package na nagkakahalga ng 290,000 pesos sa bawat biktima.
By Drew Nacino | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)