Maaari nang madaanan ng mga motorista ang Metro Manila Skyway Stage 3 sa nakatakdang “soft opening” nito sa Disyembre.
Ayon sa San Miguel Corporation na siyang namamahala sa proyekto, libre rin sa loob ng 1 buwan ang pagdaan sa skyway stage 3.
Sinabi ni SMC President at COO Ramon Ang, ipinagmamalaki nila ang naturang proyekto dahil nakatitiyak silang magdudulot ito ng malaking pagbabago sa kabuhayan ng mga tao.
Lalo na aniya sa kasalukuyang sitwasyon kung saan unti-unti na muling nagbubukas ang ekonomiya at inaasahang mas marami pang mga sasakyan magbabalik sa mga kalsada.
Bahagya ring binuksan sa mga motorista ang bahagi ng Buendia patungong Plaza Dilaw nang libre sa loob ng isang buwan.
Magugunitang inabot ng 6 na taon bago nakumpleto ang proyekto na naglalayong pag-ugnayain ang Southern Luzon Express Way at North Luzon Express Way.