Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gobernador at alkalde na pakainin ang kanilang mga constituent na magpapabakuna.
Sa kanyang talk to the people, inihayag ni Pangulong Duterte na babayaran naman niya ang mga local government unit na magbibigay ng libreng pagkain upang ma-engganyo ang publiko na magpapabakuna.
Ito, aniya, ang kanyang nakikitang paraan para maabot ng gobyerno ang target na makapagturok ng covid-19 vaccine sa 15 million individuals sa November 29 hanggang December 1 upang makamit ang herd immunity.
Samantala, tiniyak din ng pangulo na hindi pagkakaitan ng libreng pagkain ang mga tumatanggi namang magpaturok ng covid-19 vaccine. —sa panulat ni Drew Nacino