Libreng pagkaing halal.
Ganyan ang alok ng isang community pantry na inilunsad ng isang grupo ng mga Muslim doctors sa Barangay Tetuan, lungsod ng Zamboanga.
Pahayag ni Dr. Abdul Javar Esturco, mga tulad niyang doktor ang unang nag-ambag para makabili ng mga handang pagkain sa nasabing pantry.
Wala rin aniyang pinipiling bigyan ang kanilang pantry, mapa-Muslim man o Kristiyano, bilang ambag nila sa bayanihan ngayong pandemya lalo’t ipinagdiriwang nila ngayon ang buwan ng Ramadan.