Nakatakdang ibalik ng Department of Tourism (DOT) ang libreng COVID-19 RT-PCR tests sa mga local tourist simula January 28.
Magugunitang sinuspinde ng DOT ang free RT-PCR test nang tumigil ang ilan nilang partner laboratory sa pagtanggap ng sample makaraang magpositibo sa COVID ang kanilang staff.
Umaasa naman si tourism undersecretary Woodrow Maquiling, Jr. na makarerekober ang mga tauhan ng kanilang mga partner laboratory upang makabalik na sa normal na operasyon ang libreng RT-PCR test.
Sa ilalim ng programa ng kagawaran, 350 aplikante kada araw ang mabibigyan ng libreng swab tests sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).