Nagpapatuloy ang libreng sakay ng MRT-3 na tatagal hanggang Abril a-30.
Nabatid na umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga 4-car CKD train sets na tumatakbo sa linya ng MRT-3 simula kahapon na unang araw ng balik-operasyon matapos ang maintenance shutdown ng linya nitong Semana Santa.
Ayon sa pamunuan ng MRT, patuloy nilang ipinatutupad ang minimum health protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa telepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren.
Maliban dito, mahigpit ding ipinatutupad ang pagsuot ng face mask habang nananatiling boluntaryo ang paggamit ng face shield.