Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTR) at ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), ang posibilidad na pagpapalawig ng libreng sakay pagkatapos ng Abril 30.
Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Mike Capati, matagumpay ang naging unang araw ng libreng sakay kung saan kabuuang 281,507 pasahero ang naitala.
Malaki naman ang tulong sakaling mapalawig ito lalo na sa mga pasahero, ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.
Naging epektibo ang libreng sakay noong Marso 28, kung saan nasa 300 hanggang 400K pasahero ang makikinabang dito. – sa panulat ni Abby Malanday