Ibabalik na ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay para sa medical frontliners, essential workers at Authorized Persons Outside Of Residence simula na bukas.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, palalawigin ang naturang serbisyo sa labas ng Metro Manila sa ilalim ng ikalawang phase ng kanilang Service Contracting program.
Nasa 31.6 na milyong Pilipino anya ang tumangkilik ng libreng sakay sa unang bugso nito.
Alinsunod sa programa, susuwelduhan ang mga public utility vehicle operators at driver depende sa kanilang biyahe kada linggo.
Magugunitang naglaan na ang gobyerno ng P3 bilyon para sa libreng sakay sa General Appropriations Act para sa taong 2021.—sa panulat ni Drew Nacino