Patuloy pa rin ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga vaccinated Authorized Persons Outside Residence (APOR) ngunit sa piling oras na lamang.
Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railways (PNR) .
Ayon kay DOTR Sec. Arthur Tugade sa limitadong pagpapatuloy ng free rides for vaccinated APORs program, vaccinated APORs ay maaari pa rin sumakay sa LRT2 at PNR trains sa off peak hours.
Habang ang libreng sakay para sa mga APORs sa MRT 3 train sa panahon ng peak hours.
Ang naturang free rides for vaccinated APORs program ay ipatutupad lamang sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila simula kahapon hanggang sa katapusan ng Agosto.
Samantala, pinaalalahanan naman ng kalihim ang publiko at mga apors na patuloy na sumunod sa ipinatutupad na health protocols at physical distancing.