Mag-aalok ng libreng sakay ang pamunuan ng LRT-2 para sa lahat ng beterano.
Magsisimula ito bukas Abril a-singko at magtatagal hanggang Abril a-onse.
Bilang pakikiisa ang gawain sa araw ng kagitingan at selebrasyon din ng National Veterans Week.
Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), maaaring ma-avail ang free ride mula alas-siyete hanggang alas-diyes ng umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.
Ipakita lamang ang Valid Philippine Veterans Affairs Office (PAVAO) card para ma-avail ng free ride. – sa panulat ni Abby Malanday