Good news para sa mga estudyante!
Magkakaroon ng libreng-sakay ang Philippine Coast Guard (pcg) sa Quezon City at Maynila sa unang araw ng klase bukas, Agosto 22.
Ito ang inihayag ni PCG commandant Artemio Abu na dalawa hanggang tatlong coast guard bus ang ide-deploy nila mula alas -6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Mula sa Quezon City hall, bibiyahe ang mga naturang bus para magsakay ng mga pasahero patungong University belt sa España, Maynila.
Bago naman bumalik sa Quezon City ang coast guard bus ay dadaan muna ito sa Luneta Park.
Samantala, ipinaalala ng PCG sa mga mag-aaral na sasakay sa nasabing bus na magsuot ng facemask at magdala ng alcohol.