Handang magserbisyo sa mga walang masasakyang commuter ang Libreng Sakay Project ng Philippine National Police (PNP).
Sa kasalukuyang 10 ruta nito, umabot na sa 300-hanggang-400 mga commuters ang naisakay nito.
Narito ang mga pick-up at drop-off points ng Libreng Sakay Project ng Pnp:
- mula central terminal sa Manila City Hall papuntang Quezon Avenue MRT 3,
- Kampo Krame papuntang tungko sa San Jose Del Monte City sa Bulacan,
- Kampo Krame papuntang Rodriguez sa Rizal,
- Kampo Krame papuntang Taytay sa Rizal,
- Kampo Krame papuntang Meycauayan City sa Bulacan,
- Kampo Krame papuntang Antipolo City,
- Pasay City papuntang Monumento,
- Monumento patungong Taft sa Pasay City,
- Kampo Krame papuntang Zapote Bacoor sa Cavite,
- Kampo Krame papuntang Novaliches sa Quezon City.
Batay sa schedule ng libreng sakay, araw-araw ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.