Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare matrix para sa EDSA Bus Carousel.
Kasunod ito ng tuluyan nang pagtatapos bukas ng libreng sakay sa nakapagserbisyo sa publiko sa loob ng dalawang taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa Board Resolution no. 189 series of 2022, gagana ang operasyon ng Busway sa ilalim ng Fare Box Scheme na inaprubahan ng LTFRB na magsisimula 5 am bukas.
May kabuuang 550 public utility bus mula sa ES Transport and Partners Consortium at Mega Manila Consortium Corp. na kasalukuyang tumatakbo sa kahabaan ng busway, ang maaaring magpatuloy sa kanilang operasyon sa EDSA Carousel system.
Ipinaalala naman ng LTFRB sa mga PUB drivers na sumunod sa mga polisiya ng ahensya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.
Sinumang mahuhuling lumabag ay papatawan ng karampatang parusa gaya ng pagkansela ng kanilang Certificate of Public Convenience o prangkisa.