Ikinokonsidera ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin hanggang Hulyo o Agosto ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.
Ayon kay Maria Kristina Cassion, Executive Director ng LTFRB, sa P 7-B pondong inilaan sa libreng sakay, 50% pa lang dito ang nagagamit.
Depende anya ang petsa ng pagpapalawig sa sobrang pondong inilaan sa programa.
Sa buong bansa, higit 100 ruta ang nag-aalok ng libreng sakay.
Hanggang Hunyo a-30 iiral ang libreng sakay sa buong Pilipinas.