Posibleng simulan na sa susunod buwan ang libreng-sakay sa EDSA carousel.
Ito ang kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit 1.2 billion pesos na pondo para muli sa libreng-sakay.
Ayon kay Guadiz, sisimulan na ang libreng-sakay sa oras na ibaba sa kanila ang pondo.
Maari anyang tumagal ang libreng-sakay hanggang Hulyo o Agosto ngayong taon pero depende pa sa pag-uusap nila ng dalawang bus consortium. – sa panulat ni Jenn Patrolla