Sinimulan na ngayong araw na ito ang libreng sakay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga healthcare worker at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) gamit ang public utility buses sa ruta ng EDSA Busway o Route E.
Ang libreng sakay ay ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade bilang dagdag-tulong sa healthcare workers at APOR sa gitna na rin nang pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ayon sa LTFRB, kailangan lamang ipakita ang I.D. sa pinapasukang ospital o kumpanya para makapag-avail sa libreng sakay na bukas 24-oras, araw-araw.
Bukod sa free ride ng mga pampasaherong bus, tuluy-tuloy din ang pagbibigay ng libreng sakay ng mga jeep sa mga APOR sa 50 ruta sa NCR at iba pang karatig rehiyon.
LIBRENG SAKAY ALERT
MGA PAMPASAHERONG BUS NA BUMIBIYAHE SA EDSA BUSWAY SA ILALIM NG SERVICE CONTRACTING PROGRAM, MAGBIBIGAY NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA HEALTHCARE WORKERS AT APOR SIMULA BUKAS, IKA-7 NG ABRIL 2021
Para sa buong detalye: https://t.co/1id1cqdZPX pic.twitter.com/YsWTWeYa84
— DOTrPH (@DOTrPH) April 6, 2021