Pinalawig pa ng Light Rail Transit Administration hanggang sa susunod na tatlong taon ang kanilang ipinagkaloob na libreng sakay ng sa mga sundalo sa LRT line 2.
Ito ay makaraang lumagda ng MOA o Memorandum of Agreement ang mga opisyal ng LRTA at AFP o Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay AFP Civil Relations Services Commander Major General Bienvenido Datuin Jr., lubos nilang pinasasalamatan ang pamunuan ng LRTA sa ilalim ni Retired General Reynaldo Berroya sa pagpapalawig ng libreng sakay sa mga sundalo.
Aniya, nakatutulong ito para mas tumaas pa ang morale ng mga sundalo at maipakitang pinahahalagahan ng mga Pilipino ang ibinibigay nilang serbisyo sa bayan.
Enero noong nakaraang taon nang magsimula ang libreng sakay sa LRT 2 ng mga sundalo bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan, paghihirap at sakripisyo para sa bayan.