Aarangkada na ngayong araw ang libreng sakay sa Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).
Ayon sa MRT-3 management, ang libreng sakay sa mga tren ay bilang pagbigay daan sa paggunita ng araw ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na may temang, “Rizal: Alaalang Iningatan, Yaman Ngayon ng Bayan.”
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng pambansang bayani, libreng makakagamit ang mga komyuter sa mga tren ng MRT ngayong araw na magsisimlula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico Canar, Jr., dapat maramdaman ng taumbayan ang sakripisyong ibinigay ni Rizal sa pilipinas at patuloy na magsilbing inspirasyon sa bawat isa na gumawa ng mabuti para sa kapwa at bayan.
Samantala, tiniyak ng MRT-3 na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols o ang tinatawag na 7 commandments ng ahensya sa bawat istasyon ng MRT-3.