Aarangkada na ngayong araw ang libreng-sakay sa mga tren ng Department of Transportation para sa mga government employee bilang pagdiriwang ng 122nd Philippine Civil Service anniversary, ngayong araw.
Ayon sa DOTR, libre ang sakay simula ala-7 hanggang alas-9 ng umaga at ala-6 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi sa LRT-2 at MRT-3.
Buong araw naman ang free ride sa PNR sa lahat ng operational routes nito.
Kailangan lamang ipakita ng mga empleyado ang kanilang ID upang makapag-avail ng libreng-sakay.