Libre na ang pagsakay ng lahat ng mga aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Metro Rail Transit o MRT 3, simula ngayong araw.
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, bahagi ito ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng MRT-3, Civil Service Relations ng AFP at DOTr bilang pagkilala sa paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo.
Sa ilalim ng memorandum of understanding, iiral ang libreng sakay sa loob ng isang taon.
Para i-avail ang libreng sakay, kailangan lamang ipakita ng mga sundalo at staff ng AFP ang kanilang ID.
—-