Mayroong libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga gumagamit ng Pasig River Ferry, sa Biyernes bilang bahagi ng 40th Founding Anniversary ng MMDA.
Epektibo ang libreng sakay simula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon para sa lahat ng 11 istasyon mula barangay Pinagbuhatan, Pasig City hanggang Escolta, Maynila.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nais nilang masuklian ang publiko sa pagsuporta sa ferry service simula nang buhayin ito noong isang taon.
Makatutulong anya ito upang ma-engganyo ang mga mas maraming mananakay na tangkilikin ang ferry boat service sa ilog pasig sa gitna ng matinding traffic sa EDSA.
Samantala, isang aktibidad din ang nakahanda sa Quirino Grandstand, Maynila sa Sabado ng umaga kung saan ipaparada ng mga MMDA personnel ang kanilang mga equipment at specialized vehicle.
By Drew Nacino