Inanunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na aprubado na ng Maritime Industry Authority o Marina Board ang pagbibigay ng libreng Seafarers’ Identification and Record book (SIRB) sa Lunes, Pebrero 7.
Inihayag din ni Department of Transportation Secretary Art Tugade, na may 50% discount ng expire o expired na book renewal ng seaman o muling pag-isyu ng nawala o nasira na SIRB/SRB booklet hanggang Disyembre 2022.
Samantala, sinabi ni Marina Administrator Robert Empedrad, ito’y para magbigay ng tulong sa mga filipino seafarers sa gitna ng patuloy na pandemya.
Matatandaang, inihayag ni tugade ang magandang balita sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 24, 2022, na nagsasaad na inaprubahan na ng marina board ang desisyon na mag-alok ng ganitong uri ng tulong sa mga Filipino Seafarer. —sa panulat ni Kim Gomez