Nag-aalok ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng online courses para sa mga nais madagdagan ang kaalaman ngayong lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay TESDA director general Isidro Lapeña, mayroong inaalok ang ahensya na 68 short online courses para sa mga nais magkaroon ng bagong skills o mga nais na mahasa pa ang kanilang kakayahan.
Ilan aniya sa mga kursong inaalok ng TESDA ay ang massage therapy, basic computer operation, web development, bread and pastry production, at cookery.
Ang TESDA online course program ay nagsimula nuon pang 2012 ngunit pinalawig ngayon ang i-accommodate na bilang ng enrollees dahil sa lockdown.
Para sa mga interesado umanong mag-enroll, bisitahin lamang ang website ng TESDA.