Simula na mamayang alas-10 ng gabi ang libreng pagdaan sa mga tollways na hawak ng San Miguel Corporation (SMC).
Sa isang pahayag sinabi ni SMC President and COO Ramon Ang, ang naturang hakbang ay nakagawian na taon-taon bilang pasasalamat sa mga motoristang tumatangkilik sa kanilang mga expressways.
Dagdag pa ni Ang, mas makabuluhan ang pag-arangkada ng libreng pagdaan sa kanilang tollways, lalo’t maraming pinagdaan ang bansa gaya ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Mababatid na magsisimula mamayang alas-10 ng gabi ang naturang libreng pagdaan sa mga tollways ng SMC at magtatagal hanggang alas-sais ng umaga.
At mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang ala- 6 ng umaga ng Enero 1.
Kabilang sa mga may alok na libreng pagdaan sa tollways ang mga sumusunod: star tollway, SLEX, skyway, NAIAX at TPLEX.