Nagkasa na ng libreng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW na uuwi mula sa Kuwait.
Ang hakbang ay tulong ng TESDA sa mga OFW para magkaroon ng sariling negosyo o makahanap ng bagong trabaho.
Ayon kay TESDA Director Guiling Mamondiong, inatasan na niya ang regional, provincial at district directors maging ang mga TESDA accredited technology institutions para i-prioritize sa libreng training ang mga OFW na apektado ng deployment ban sa Kuwait.
Bukod sa libreng training, magbibigay din ang TESDA ng allowance para sa pagkain at pamasahe ng mga sasailalim sa pagsasanay.
—-