Nagsanib-puwersa ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) at Partas Transportation Company sa paglulunsad ng libreng transportasyon para sa mga locally stranded individuals (LSIs) sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay LMP President Luis Chavit Singson, ang kani-kaniyang local government ng mga naturang LSIs ang magbabayad ng pamasahe nila sa ilalim ng BIYAHE-NIHAN Project.
Sinabi ni Singson na nasa 400 bus ang available hanggang sa Mindanao.
Kailangan lamang aniyang maihanda ng mga indibidwal ang kanilang travel documents at makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga munisipalidad sa mga detalye.