Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo ang Senate Bill no. 1610 o ang libreng tuition para sa mga gustong makapag-aral ng law o nais maging isang abogado.
Ayon kay Sen. Tulfo, ang Free Legal Education Act of 2023, ang tutulong para magkaroon ng access ang mga nais magkaroon ng libreng matrikula at makapag-aral sa State Universities at Colleges (SUCs).
Ang naturang panukala ay may layuning mapataas ang legal profession workforce sa pamamagitan ng 2-year mandatory return service at madagdagan ang kakulangan ng mga manggagawa sa legal na propesyon na magbibigay ng mandatory return service sa loob ng dalawang taon sa Public Attorney’s Office (PAO) o anumang ahensya ng gobyerno na kulang sa abogado.
Nabatid na sa kasalukuyan, mayroong 40,000 abogado sa Integrated Bar of the Philippines.
Sinabi ni Tulfo na marami sa mga law students ang hindi kayang makapagtapos para maging abogado dahil sa mataas na matrikula na aabot sa P75,000 hanggang P98,000 kada semester.
Bukod pa dito, ang Tuition Fee sa mga State Universities ay papatak mula sa P24, 000 hanggang P30,000.00, hindi pa kasama dito ang lahat ng gastusin sa pamumuhay at iba pang pangangailangan ng isang estudyante.