Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi maaabuso ang libreng tulong ligal na isinulong ni Pang. Rodrigo Duterte para sa mga sundalo’t pulis.
Ito’y matapos himukin ni Pangulong Duterte ang Kongreso sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) na magpasa ng batas na magbibigay ng libreng tulong legal sa mga Sundalo’t Pulis na nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Ayon kay AFP Spokesman, Navy Capt. Jonathan Zata, patuloy ang mga ipinatutupad na pagbabago sa AFP na may patuloy na paggalang sa batas at karapatang pantao.
Tiwala aniya ang Hukbong Sandatahan na ito ang magiging susi para magtagumpay ang kanilang laban kontra sa mga terrorista, partikular na ang mga komunista at iba pang mga kalaban ng estado.
Kasunod nito, ipinaabot din ni Zata ang pasasalamat ng buong AFP kay Pangulon Duterte sa pagsasaalang-alang nito sa kapakanan ng mga nasa unipormadong hanay na tumutupad sa kanilang mandato. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)