Nilagdaan na ni Pagulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda ng libreng wifi at malinis na palikuran sa mga transportation terminals at iba pa.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11311, inaatasan nito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Transportation (DOTr) para masigurong mayroong libreng internet connection ang mga terminal, stops, rest areas at roll on roll off terminals.
Kailangan din na mayroong malinis na palikuran ang mga terminal, may sapat na tubig, sabon, hand dryer, door lock, basurahan at diaper-changing area ang mga palikuran.
Mahigpit ding ipinagbabawal sa naturang batas ang paniningil para makagamit ng mga comfort room at tanging ang bus ticket lamang ang dapat na ipakita para makagamit ng pasilidad.
Inaasahang magkakabisa ang naturang batas, 15 araw matapos na mailathala sa pahayagan.