Inirerekomenda ni Senadora Grace Poe na magkaroon ng libreng wifi at magtayo ng malinis at libreng palikuran ang mga bus terminal.
Batay sa Senate Bill Number 1695 na ini-akda ni Poe, inaatasan ang mga operator o administrator ng mga bus terminal na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communication Technology o DICT para sa pagkakabit ng wifi.
Habang ang DOTR naman ang magmo-monitor o magsasagawa ng mga biglaan inspeksyon para siguruhing may libre at malinis na palikuran ang mga bus terminal.
Giit ni Poe dapat na siguruhing masaya sa kanilang travel experience at kontento sa serbisyo ang mga pasahero lalo na kung walong oras o higit pa ang biyahe at mayroong stop over.
Sa oras na maisabatas ang nasabing panukala, magmumulta ng 5,000 ang operator ng bus terminal para sa bawat paglabag na kanilang magagawa.
Posted by: Robert Eugenio