Nagbigay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng libreng internet access sa evacuees na apektado ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ito ay sa ilalim ng Free WIFI for All (FW4A) Program na pinangunahan ng DICT-9 at ikinasa sa Southcom National High School Evacuation Center.
Ang FW4A Program ng DICT ay isang digital empowerment program na naglalayong ikonekta ang mga Pilipino sa buong bansa at putulin ang tinatawag na digital divide.