Bulilyaso o hindi na matutuloy ang proyekto ng Department of Science and Technology o DOST na paglalagay ng libreng wifi sa mga lalawigan.
Ito’y ayon kay Roy Espiritu, Tagapagsalita ng Information and Communications Technology Office ng DOST ay dahil sa walang interesadong investor sa nasabing proyekto.
Dalawang beses na aniyang bumagsak ang bidding para rito na layunin sanang lagyan ng libreng wifi internet connection ang mahigit 800 bayan sa buong bansa
Target sanang matapos ngayong taon ng DOST ang nasabing proyekto ngunit dahil sa hindi na ito matutuloy, kailangan nilang itakda sa susunod na taon ang target para matapos ito.
By Jaymark Dagala