Inanunsyo ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na maglalabas siya ng Chinese version ng kaniyang libro hinggil sa hurisdiksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Gayunman, sinabi ni Carpio na malamang ay i-ban ito ng Chinese government dahil makasasakit ito sa posisyon ng higanteng bansa.
Ipinabatid ni Carpio na naglathala na sila ng English version, ngunit kailangan ding ihabol ngayong taon ang Vietnamese, Bahasa Indonesia, Japanese at Spanish versions.
Una nang sinabi ni Carpio na malaking tulong para mas lumakas pa ang claim ng Pilipinas sa Panatag Shoal ngayong hawak na ang binansagang “Mother of All Philippine Maps.”
Inaasahang pormal na ititurn-over ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 12, kasabay ng paggunita sa ‘Araw ng Kalayaan’.
By Meann Tanbio