Inilunsad na ng komedyanteng si Vice Ganda ang kanyang kauna-unahang libro na may titulong, “President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas.”
Ayon kay Vice ang libro ay isang parody na kung paano niya sosolusyunan ang mga problema ng bansa sakaling siya ang maupong Pangulo.
Inilathala ang libro ng ABS-CBN Publishing matapos na magustuhan ang konsepto ni Vice.
Aniya hindi naman seryosong mga topic ang nasa loob ng libro kundi puro katatawanan lang.
“Nung eleksyon, kahit saan ka pumunta, Twitter, Facebook, Instagram, ang daming nag-aaway-away. That time, I would make sure na fun lang ‘yung ipo-post ko lang tapos nagtu-tweet ako ng #Pagbabago. Tapos kinakagat naman nila, so kinarir ko.”
“Noong nasa Boracay ako, bago ako umuwi, sulat lang ako ng sulat. Nung na-compile ko ‘yung mga sinulat ko tapos pinakita ko sa kanila, natuwa naman sila. Laughtrip lang ito,”
Idinagdag ni Vice na gusto lang niyang magpasaya at magpakalat ng good vibes lalo na ngayong maraming problema ang kinakaharap ang bansa kagaya na lang ng traffic.
Nang tanungin naman kung may mensahe siya sa mga taong iniisip na wala siyang kredibilidad para maging author ng isang libro, sinabi nitong:
“Ay wala. They don’t deserve my time. Sa mga followers and supporters na lang, I love you”.
Photo: Screengrab from Praybeyt Benjamin/ Instagram