Libu-libong demonstrador ang sumugod sa Amsterdam, Netherlands bilang pagkontra sa ipinatutupad na COVID-19 measures at vaccination campaign sa gitna ng lumulobong bilang ng nagkakasakit.
Nagmartsa ang mga raliyista pero hinarang sila ng daan-daang riot police sa Museum Square.
Ang Netherlands ay isa sa mga bansa sa Europa na may pinaka-mahigpit na lockdowns sa nakalipas na ilang buwan.
Kahapon ay umabot sa mahigit 36,000 ang panibagong COVID-19 cases sa nabanggit na bansa.
Sa kabila nito, ipinag-utos ni Prime Minister Mark Rutte ang muling pagbubukas ng mga business establishment at gyms.