Libu-libong demonstrador ang nag-martsa sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos bilang protesta sa Immigration policy ni President Donald Trump.
Nagmartsa sa Lafayette Square patungong White House hanggang US Congress sa Washington DC ang daan-daang pamilya ng mga immigrant.
Tiniis naman ng mga demonstrador sa New York ang mainit na panahon upang ipakita ang kanilang pagtutol.
Inilunsad din ng mga nananawagan sa pagbuwag sa immigration and customs enforcement ang kilos-protesta sa mahigit 700 lugar sa halos lahat ng US states.
Magugunitang inulan ng batikos ang mahigpit na immigration policy na ipinatupad ni Trump makaraang ikulong ang daan-daang immigrants at ihiwalay sa kanilang mga anak sa US border.